Isinulat ko ito bago ako nagkaroon ng pagkakataong makapag-trabaho sa Singapore. Foreshadowing. Inaamin ko, sumuko na din ako.
PARA sa isang motoristang naipit sa trapiko, nakakairita naman talaga ang makakita ng isang convoy ng mga pribadong sasakyan na, sa tulong ng ilang police escorts, ay nagsusumiksik at nambabraso ng iba pang mga sasakyan gayong napakasikip na nga ng kalsada.
Higit nga bang mahalaga ang oras ng kung sino mang mga Ponsyo Pilatong ito kung ihahambing sa panahon nating mga hoi polloi?
Naalala ko tuloy ang essay ng nobelistang si F. Sionil Jose, ang Bakit Mahirap Tayong Mga Pilipino? Ayon sa kanya, mahirap tayo dahil mahirap tayo. Nasa kultura natin ang kahirapan. Bukod sa karamihan sa ati’y tamad, masyado rin tayong mahangin.

Kung susuriin natin, ang ugat ng ating katamaran at kayabangan ay ang paniniwala natin na, sa labas ng pamilya, hindi na natin sagutin ang ibang tao, lalo pa ang sarili nating bansa. Kanya-kanya – iyan ang pilosopiya ng karamihan sa atin. Madalas, wala tayong pakialam kahit sino pa ang masagasaan; ang mahalaga’y nakalamang tayo, nakaungos tayo.
Kaya naman bigyan mo lamang ng isang medyo mataas na katungkulan sa gobyerno o kaya’y kaunting kayamanan ang isang Pilipino at ang isa sa mga una nitong gagawin ay magdawit ng ilang police escorts at magparada sa kalye at ipagsigawan sa ibang tao na, “Hoy, mga peon, importante ako!”
***
Minsan, sa sobrang pagkainis, binuntutan ko ang isang convoy ng mga sasakyan na papuntang Greenhills sa kahabaan ng Ortigas Ave galing sa trabaho sa isang Call Center Comapny.
Wala naman silang police escort, pero lahat ng mga pawang naglalakihang sasakyan na nasa convoy ay may mga wang-wang na ginagamit ng mga ito upang harangin, giliran at singitan ang iba pang mga sasakyan.
Kumanan sila sa Connecticut, pumasok sa Greenhills at tumigil sa pangunang entrada ng shopping mall. Gaya ng inaasahan ko, isa na namang langaw na mataas ang lipad ang nanggulang ng kanyang kapwa. Ang lulan ng pinakamagarang sasakyan sa convoy ay isang kilalang beautician na napagalaman ko ay may beauty salon sa Greenhills. Dadalawin lamang pala niya ang kanyang negosyo.
***
Bakit nga ba tayo ganito?
Ang madalas na hatol naming mga magkakabarkada habang nasa malalim na impluwensya ni San Miguel ay dahil marahil sa walang yugto sa ating kasaysayan na tayo’y naging isang tunay na bansa na hinulma ng ilang taong pakikibaka para sa tunay na kalayaan.
Malabnaw ang ating pagka-Pilipino kaya marami sa atin ang wala talagang malasakit sa sarili nating bansa. Pamilya, oo. Bansa, medyo.
Madalas, mas nanaiisin pa nating ma-asimila na lamang ng ibang bansa.
Sa loob ng tatlong taon, naging isang bayan ng mga migrante ang Pilipinas. Ayon sa estatistika mula sa gobyerno, kasalukuyang nakakalat sa kulang-kulang 192 bansa at teritoryo ang mahigit 7.76 milyong Pilipino. Mahigit 2.87 milyon ang tuluyang naninirahan na sa labas ng Pilipinas at sumasaludo sa ibang bandila.
Isa sa bawat limang Pilipino naman na nandito sa Pilipinas ang nais nang magalsa-balutan. Ang nakakabahala pa dito ay kulang-kulang kalahati sa mga batang ang edad ay 10 hanggang 12 ay nagnanais na sa ibang bansa na lamang makapagtrabaho.
Hindi ko sila masisisi. Tuwing makakita ako ng isang convoy ng mga pribadong sasakyan, hindi ko mapigilang maisip na lumayag na rin at manirahan sa isang bansa na kung saan ang tunog ng isang sirena ay nangangahulugan ng isang totoong emerhensiya.

No comments:
Post a Comment